ROAD ACCIDENT | Pitong tao, patay sa dumausdos na 10 wheeler truck

78

Batangas – Umakyat na sa pito ang nasawi matapos dumausdos ang isang nakaparadang 10 wheeler truck na hindi nakalsuhan sa Taal, Batangas kaninang bago mag-alas sais ng umaga.

Nabatid na nakaparada sa diversion road sa Barangay Carasuche ang naturang truck na may plakang WCB 768 na may kargang mga tubo nang dumulas at saka inararo ang ibang pang mga sasakyan na nasa harapan nito.

Unang binangga ng truck ang isa ring 10-wheeler truck na may plakang WKG 191 at pagkatapos nito ay dumeretso ito sa isang restaurant kung saan nasagasaan naman ang mga kumakain doon.

Nadamay din ang iba pang nakaparadang sasakyan sa lugar kabilang ang dalawang motorsiklo, nissan sentra, isang hyundai at isang isuzi l300 van.

Tumakas naman ang driver ng truck matapos ang insidente.

Facebook Comments