ROAD ACCIDENT | Tatlo patay sa banggaan ng bus at truck sa Tarlac

Tarlac City – Patay ang tatlong tao habang 23 ang sugatan matapos bumangga ang isang bus sa isang sa Northbound lane ng Subic- Clark – Tarlac expressway (SCTEX) sa Concepcion, Tarlac.

Sa ulat, papuntang Dagupan ang bus nang makabanggaan ang truck na naglalaman ng acetylene gas tanks.

Kinilala ang driver ng six-wheeler truck, na si Emmanuel Retardo habang ang driver ng Five Star Bus ay nakilalang si Rolando Untalan.


Sa lakas ng banggaan, tumama ang dalawang sasakyan sa railings ng highways at nahulog sa isang sapa kung saan sumabog ang acetylene tanks dahilan ng pagkasunog ng bus.

Tatlong pasahero nito ang naipit sa loob ng nasusunog na bus pero hindi na makilala ang bangkay kaya at agad ding dinala ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa Lotus Funeral Homes sa Tarlac City.

Samantala dinala naman sa magkakaibang hospital ang mga sugatang pasahero ng bus.

Facebook Comments