ROAD ACCIDENT | Taxi, tumagilid matapos sumalpok sa isang center island sa EDSA, Magallanes

Manila, Philippines – Tumagilid ang isang taxi makaraang sumalpok sa isang center island sa EDSA, Magallanes.

Ayon sa driver ng taxi na may plakang APA-1448, sakay niya ang kanyang mag-ina at pauwi na sana sa Las Piñas.

Biglang nakaidlip ang driver dahil napagod ito sa biyahe.


Habang paakyat sa fly-over ay bumangga ito sa center island at dahil sa madulas ang daan ay tumagilid ito.

Maswerteng walang nasugatan sa insidente pero nagdulot ito ng pansamantalan mabigat na trapiko.

Naialis na ang taxi sa lugar.

Facebook Comments