ROAD ACCIDENT | Trailer truck, nahulog sa bangin sa Atimonan, Quezon; 4 – sugatan!

Atimonan, Quezon – Apat ang sugatan matapos na mahulog sa bangin ang isang trailer truck sa bahagi ng Barangay Malinao Ilaya sa Atimonan, Quezon.

Sa iniyal na ulat, galing ng Maynila ang truck at papunta sana sa Bicol nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver nito na si Felix Duran.

Tuluyang gumulong sa 15 talampakang bangin ang truck dahil na rin sa bigat ng karga nito.


Kritikal sa pagamutan si Duran habang sugatan din ang misis niyang si Marilyn Almazan at dalawang pahinante ng truck na sina Anghel Dela Peña at Noel Tulog.

 

 

Facebook Comments