ROAD ACCIDENT | Vice mayor ng Laoag City, patay matapos maaksidente

Laoag City – Patay ang bise alkalde ng Laoag City makaraang maaksidente.

Sa ulat, galing ng bahay si Laoag City Vice Mayor Michael Fariñas at habang minamaneho nito ang isang itim na SUV ay nag-over shoot sa kurbadang bahagi ng bypass road sa Barangay Vira, Laoag City.

Dito na tumama ang sasakyan ni Vice Mayor Fariñas sa barrier saka nagpa-ikot-ikot hanggang sa mahulog sa palayan.


Agad na isinugod sa Governor Roque B. Ablan Sr. Memorial Hospital si Fariñas ngunit idineklara itong dead on arrival kung saan ang kanya namang security detail na si SPO3 Melchor Geronimo ay nagtamo ng pinsala sa katawan at patuloy na nagpapagaling.

Lumalabas sa imbestigasyon na hindi nakasuot ang seatbelt ni Vice Mayor Michael na pamangkin ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas.

Facebook Comments