Ayon kay Police Captain Aileen Catugas, tagapagsalita ng PPO, umabot sa 120 insidente ng aksidente sa kalsada ang naitala mula Mayo 1 hanggang Mayo 19 lamang — panahon ding ginugunita ang National Road Safety Month.
Maliban sa mga aksidente, nakapagtala rin ang PPO ng 942 na paglabag sa batas trapiko sa parehong panahon, mas mataas kumpara sa 695 na kaso noong nakaraang taon. Kabilang dito ang:
• 77 kaso ng reckless imprudence resulting in homicide
• 404 kaso ng physical injuries
• 461 kaso ng damage to property
Ipinunto ng PPO na karamihan sa mga nasasangkot sa mga insidente ay mga motorsiklo,sedan at mga sasakyang karaniwang gamit sa araw-araw na biyahe.
Dahil dito, muling nananawagan ang mga awtoridad sa publiko na pairalin ang disiplina sa kalsada at isaisip ang mga alituntunin sa ligtas na pagmamaneho upang maiwasan ang disgrasya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









