Manila, Philippines – Sisimulan nang itayo ang isang istasyon ng LRT-2 sa Marcos highway kaya asahan na ang pagsasara ng ilang kalsada simula sa Pebrero 25.
Mula alas-11 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw ay isasara ang west bound lane o kalsada mula Antipolo papuntang Cubao.
Habang ang dalawang rightmost lane ay gagamitin para sa mga heavy equipment ng contractor.
Dahil dito, maglalagay ng zipper lane para sa mga sasakyang pa-eastbound o pa-Antipolo.
Nabatid na salitan ang pagsasara ng westbound at eastbound lanes.
Linggo hanggang Huwebes ay may road closure mula alas-11 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw, at kapag Biyernes ay hatinggabi hanggang alas-5 ng umaga ang pagsasara.
Kapag Sabado ay isasara ito ng alas-11 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw.
Alternate routes ang sumulong highway, Ortigas extension, Marikina, at Sta. Lucia habang magbubukas ang ilang subdivision sa area ng mga gate na puwedeng daanan.
Sa Oktubre inaasahan namang matatapos ang mga itatayong beams.