Sa harap ng naman pagbigat ng volume ng mga sasakyan patungong norte, lumikha ng abala ang pagtagilid ng isang 6 wheeler winged van na may kargang harina bago makarating sa San Fernando, Pampanga exit ng NLEX.
Ayon sa NLEX Traffic Control Center, binabagtas ng winged van ang NLEX northbound nang masagi nito ang isang 16 wheeler truck na may kargang buhangin, sanhi upang tumagilid ito.
Dahil sa insidente, inokupa ng mga sangkot na sasakyan ang outermost at gitnang lane ng kalsada na nagdulot ng mahigit apat na kilometrong traffic buildup.
Nagtamo naman ng ilang sugat sa katawan ang pahinante ng 6 wheeler truck.
Bandang 7:56 ay natanggal na ang mga truck sa kalsada pero mabigat pa rin ang daloy ng trapiko dahil naman sa volume ng mga sasakyan pa norte.
Nagbukas na ng counter flow lane ang NLEX upang maibsan ang traffic buildup.