Manila, Philippines – Pitong pangunahing kalsada sa Metro Manila ang isasara ng Department of Public Works And Highway (DPWH) mamayang alas onse ng gabi.
Ito ay para bigyang-daan ang pagkukumpuni sa mga kalsada kabilang ang:
– Outer lane ng Visayas Avenue sa Quezon City;
– 5th lane sa Edsa sa pagitan ng Landers Street hanggang Howmart;
– 1st lane ng Congressional Avenue Extension kanto ng Tandang Sora Avenue;
– 3rd lane ng Congressional Avenue mula Edsa hanggang Cagayan Street;
– Inner lane ng Quirino Highway mula T. Urbano hanggang Pagkabuhay Road;
– Middle lane ng A. Bonifacio Avenue mula Calavite Street hanggang Mariveles Street
Kasama rin sa aayusin ang middle lane southbound ng A. Bonifacio Avenue patawid ng Sgt. Rivera.
Habang sa Caloocan City, isasailalim sa repair at reblocking ang northbound direction ng Bonifacio Monumento Circle.
Kaugnay nito, pinayuhan ng DPWH ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta.
Bubuksan ang mga nabanggit na kalsada sa Lunes, February 19 sa ganap na alas 5:00 ng umaga.