ROAD ALERT | 8 kalsada sa CAR at Region 3 sarado pa rin – DPWH

Inihayag ngayon ni Public Works and Highways na Public Information Division-Stakeholders Relations Service Randy del Rosario, na walong kalsada sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Region III ang nanatiling sarado sa lahat ng uri ng sasakyan dahil pa rin sa landslide, nasira ang kalsada at mga pagbaha.

Ayon kay Del Rosario hindi pwedeng daanan ang Benguet sa Kennon Road, Baguio–Bontoc Road, Baguio-Bua-Itogon Road, Acop-Kapangan-Kibungan-Bakun Road, Abra-Ilocos Norte Road, Apayao-Ilocos Norte Road, Banaue-Hungduan-Benguet Boundary Road at Baliwag-Candaba-Sta. Ana Road.

Paliwanag ng opisyal sa mahigit dalawang linggo ang DPWH Regional and District Engineering Offices nalinis na at maaari ng daanan ng mga motorista ang kabuuang 77 lansangan na nasara dulot ng hagupit ng bagyong Ompong at epekto ng habagat.


Tinatayang umaabot sa inisyal na pinsala ng bagyong Ompong na pumapalo sa P6.948 billion – kabilang ang P1.539 billion na napinsala sa mga lansangan P52 million sa mga tulay P5.278 billion sa flood control structures at P78.30 million sa mga pampublikong gusali.

Facebook Comments