ROAD ALERT | Bahagi ng southbound ng C5 Bagong Ilog service road, isasara simula ngayong araw

Simula na ngayong araw ang pagsasara sa bahagi ng southbound ng C5 Bagong Ilog Service Road hanggang October 31, 2018.

Batay sa abiso ng traffic management office ng Pasig City, isasara ito tuwing alas 10:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga, araw-araw dahil sa proyekto ng Manila Water.

Pagkatapos ng proyekto ng Manila Water ang C5 Bagong Ilog southbound ay sasailalim naman sa road rehabilitation at improvement project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).


Gagawin ang proyekto ng DPWH mula alas 11:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga araw-araw mula August 31, 2018 hanggang March 29, 2020.

Dahil dito, inaabisuhan na ang mga motorista na asahan na ang pagbagal ng daloy ng traffic sa lugar sa nasabing mga oras at petsa.

Facebook Comments