ROAD ALERT | DPWH, magsasagawa ng road reblocking ngayong weekend sa Quezon City at Caloocan

Manila, Philippines – Simula mamayang 11 ng gabi hanggang 5 ng madaling araw ng Lunes, February 5, sasailalim sa road reblocking ang ilang kalsada sa Quezon City at Caloocan.

Sa Quezon City:
Outer lane ng Visayas Avenue tapat ng National Food Authority (NFA), outerlane;
5th lane ng EDSA pagitan ng Howmart to Oliveros;
2nd lane ng Congressional Avenue Extension malapit sa Tandang Sora Avenue;
1st lane ng Congressional Avenue between EDSA to Cagayan Street;
Inner lane ng Quirino Highway tapat ng St. John Beverly Academy; at
Inner lane ng A. Bonifacio Avenue sa pagitan ng Calavite Street to Mariveles Street.

Sa Caloocan City:
Bonifacio Monumento Circle;
At Alt Route: Gen Tino & B. Serrano Road;


Pinaiiwas na ang mga motorista sa mga nabanggit na kalsada upang hindi na maabala pa sa pagbiyahe.

Facebook Comments