ROAD ALERT | DPWH, magsasagawa ng road reblocking ngayong weekend sa Quezon City

Manila, Philippines – Magsasagawa ng road reblocking ngayong weekend ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang kalsada sa Quezon City.

Simula alas onse ng gabi mamaya hanggang alas singko ng madaling araw ng Lunes (April 9), sasailalim sa road reblocking ang apat na section ng Edsa.

Ito ay ang:
Southbound direction mula M. Ignacio Diaz hanggang P. Tuazon Boulevard, 1st lane mula sa center island at Eugenio Lopez malapit sa Scout Borromeo.


Northbound direction mula Vertis North hanggang Trinoma Mall at harap ng FF Cruz hanggang Mapagmahal Street.

Kabilang din ang southbound direction ng Visayas Avenue sa tapat ng PCOO at A. Bonifacio Avenue sa pagitan ng mauban papuntang C-3 road.

Northbound directions ng Quirino Highway, Lagro malapit sa Mater Carmeli at Congressional Avenue mula San Beda hanggang Visayas Avenue.

Dahil dito, pinaiiwas na ang mga motorista sa mga nabanggit na kalsada upang hindi na maabala pa sa pagbiyahe.

Facebook Comments