Inihayag ni DPWH Public Information Division-Stakeholders Relations Service Randy Del Rosario, na muling ipagpapatuloy ang reblocking sa NCR ngayong linggo.
Ayon kay Del Rosario ang 3 sections ng Circumferential Road 5 o C-5 Road 2 sa Epifanio delos Santos Avenue at isa sa bawat section ng A.H. Lacson Avenue at Batasan Road ay isasailalim sa pagkukumpuni mamayang alas 11 P.M hanggang alas 5 A.M sa Lunes, September 24, 2018.
Humingi na ng clearance ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para pangasiwaan ang reblocking at pagkukumpuni ng mga lansangan sa repair C-5 Road: Southbound directions bago mag Tiendesitas, papuntang C-5 Ortigas Flyover at mula northbound direction bago mag MRT Avenue, 3rd lane.
Magkukumpuni rin sa southbound direction ng EDSA, mula sa harapan ng Francesca Tower hanggang pagkatapos ng Scout Borromeo, 3rd lane mula sa Center Island at ang northbound direction mula sa gilid ng Trinoma Mall, 6th lane mula sa Center Island.
Paliwanag ni Del Rosario ang iba pang lugar na isasailalim sa rehabilitation kabilang ang Northbound directions ng A.H. Lacson Avenue, mula sa kanto ng Aragon Street at kanto ng P. Florentino Street at Batasan Road, mula bago mag Everlasting at ng harapan ng Quezon City Polytechnic University (QCPU), 2nd lane.
Pinayuhan ang mga motorista na humanap ng posibleng alternatibong ruta dahil sa mabagal ang usad ng mga sasakyan ng naturang lugar.