ROAD ALERT | Emergency leak repair, isasagawa sa Edsa Shaw Blvd

Manila, Philippines – Magsasagawa ng Emergency leak repair ang Manila Water sa bahagi ng Edsa southbound lane

Sa abiso ng Manila Water isasagawa ang konstruksyon simula July 14 hanggang August 20; bente kwatro oras mula Lunes hanggang Linggo.

Kasunod nito, paalala sa mga motorista dahil isasara ang pinaka-kanang bahagi ng southbound lane sa Shaw Boulevard sa mga nabanggit na petsa.


Ang mga sasakyang kakanan mula Edsa patungong Shaw Boulevard ay kinakailangan munang dumaan sa loob ng Starmall compound.

Pansamantala ding isasara ang bus stop sa tapat ng nasabing mall at maglalagay ng temporary bus stop pagkalampas ng Shaw Boulevard Edsa lane.

Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga motorista na umiwas muna sa nabanggit na bahagi ng EDSA upang hindi maabala.

Humihingi naman ng pang unawa at suporta ang Manila Water hinggil sa nabanggit na proyekto.

Facebook Comments