Pormal na bubuksan ngayong araw ang modernong Laguna Lake Highway o mas kilala na C-6 sa Barangay Lower Bicutan, Taguig City.
Pangungunahan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang ceremonial drive-through.
Ayon kay Villar – ang 6.94 kilometer four-lane highway ay kokonektahin ang eastern part ng Metro Manila sa mga bayan ng Rizal Province.
Magsisilbi rin itong alternatibong ruta ng mga motorista para maiwasan ang traffic sa EDSA at C-5.
Ang travel time mula Bicutan hanggang Taytay o vice versa ay magiging 30 minuto na lamang.
Dagdag pa ni Villar, ito rin ang national highway na may bicycle lanes.
Makatitiyak din ang kaligtasan ng mga motorista, bikers, pedestrians,
Ang proyekto ay nagkakahalaga ng ₱1.28 billion na bahagi ng build, build, build program ng Duterte administration.