ROAD ALERT | Mas mabigat na trapiko asahan sa España, Maynila

Manila, Philippines – Asahan ang mas mabigat na daloy ng trapiko sa España, Maynila.

Magsasagawa kasi ang DPWH north district ng road reblocking simula sa April 6 hanggang June 4.

Sa inilabas na abiso, gagawin ang pagkukumpuni sa apat na lane ng south bound at north bound lane mula Vicente Cruz hanggang Lacson.


Paliwanag ng DPWH, hindi pagsasabay-sabayin ang pagkukumpuni sa halip ay kada-portion ang gagawing pagsasaayos ng kalsada.

Tuwing Biyernes ng gabi hanggang Lunes ng madaling araw gagawin ang pagkukumpuni.

Sinabi naman ng Manila traffic bureau, magtatalaga sila ng karagdagang enforcer sa España.

Facebook Comments