Asahan na ang mas matinding traffic sa Metro Manila ngayong papasok ang Disyembre.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, bumagal sa 16 kilometro kada oras (kph) ang usad ng mga kotse sa EDSA nitong Nobyembre kumpara sa 19.3 kph noong Agosto.
Batay sa datos ng MMDA, nasa 10,000 bagong sasakyan ang pumapasok sa Metro Manila kada buwan na posible pang lumaki sa Disyembre.
Sabi pa ni Garcia, bukod sa dami ng sasakyan at dami ng mga nagki-Christmas shopping, magsusulputan pa ang mga bazaar sa Disyembre maging ang kaliwa’t kanang Christmas party.
Facebook Comments