ROAD ALERT | Memorandum na nag-aatas sa mga provincial bus na magbaba sa PITX, hinihintay ng DOTr

Manila, Philippines – Hinihintay pa ng Department of Transportation o DOTr ang memorandum circular ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga provincial bus na magbababa ng mga pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Ayon kay DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Mark De Leon, layon ng memo na i-obliga ang mga bus na dumiretso sa PITX at huwag ng magbaba ng mga pasahero sa Lawton at Baclaran.

Aniya, hindi na kailangang bumaba sa PITX ang mga pasaherong sumakay mula Bacoor at Dasmarinas, Cavite.


Gayundin ang mga nanggaling sa Mega Manila area partikular sa Valenzuela, Biñan, San Pedro at Sta. Rosa sa Laguna.

Sabi ni De Leon, magpapakalat sila ng mga information signage para mabawasan ang kalituhan sa mga bus driver.

Muli namang tiniyak ni De Leon na makakatulong sa pagbawas ng mga sasakyan sa EDSA ang daloy ng trapiko sa pamamagitan ng PITX.

Facebook Comments