ROAD ALERT | Mga ilegal na nakaparada sa Mabuhay lanes, titiketan na

Epektibo alas 6 ngayong umaga titiketan na ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang mga naka-ilegal parking sa Mabuhay Lanes at sa Main Thoroughfare.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, kung attended ang sasakyan multang P200 para sa attended vehicle habang P500 sa mga un-attended.

Nasa P200 ang multa sa illegal parking, P150 sa disregarding traffic signs at P150 sa obstruction.


Hindi na rin aniya sila mag to-tow ng mga sasakyan maliban na lang kung sirang sasakyan.

Naki-usap naman ang MMDA sa mga motorista na ibigay na lang ang kanilang lisensya para hindi na lumaki ang violation ng mga ito.

Facebook Comments