Inihayag ngayon ng pamunuan ng Department of Public Works and Highway (DPWH) na mayroong 45 kalsada ang naapektuhan nang kaaalis na bagyong Ompong at hanggang ngayon ay sarado o hindi maaaring daanan ng lahat ng uri ng behikulo.
Sa executive summary na pinalabas ng DPWH, 35 rito ay nasa Cordillera Autonomous Region o CAR, 3 sa Region 1, isa sa Region II at anim sa Region 3 o Central Luzon.
Ayon sa DPWH, isinarado ang mga nasabing lansangan dahil sa mga nagkalat na bato, bumagsak na mga puno, poste ng kuryente, putik, gumuhong lupa, na-washed out, naputol at dahil sa lubog pa rin sa baha.
Sa inisyal na ulat ng DPWH umaabot sa P640-Milyon ang halaga ng nawasak ng bagyo sa CAR; P1,016-B SA Region 1; P583-M sa Region 2; P13-M sa Central Luzon; P20-M sa Region 5 o kabuuang P2,273-B.