ROAD ALERT | MMDA nagbabala sa mga motorista hinggil sa mas mabigat na daloy ng trapiko

Manila, Philippines – Asahan na ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mas mabigat na daloy ng trapiko sa susunod na anim na buwan.

Ito ay bunsod ng kabi-kabilang road construction at road repairs sa ibat-ibang bahagi ng Metro Manila.

Kabilang dito ang North Luzon Expressway Drainage Enhancement Project sa kahabaan ng A. Bonifacio Road na magsisimula sa July 1; construction ng elevated guideway para sa Metro Rail Transit 7 sa kahabaan ng North Avenue na magsisimula sa July 2; emergency leak repair sa malalaking mainline sa EDSA-Shaw Boulevard na mag uumpisa sa July 7 at ang pagpapalit ng Buendia Bridge na mag-uumpisa rin sa susunod na buwan.


Kasunod nito mahigpit nang ipatutupad ng MMDA simula sa July 15 ang pagbabawal sa mga provincial buses na dumaan sa EDSA mula Pasay City hanggang Cubao, Quezon City, parehong northbound at southbound, mula 5am hanggang 10am at mula 4pm hanggang 9pm, Lunes hanggang Biyernes.

Facebook Comments