ROAD ALERT | MPD nagpalabas ng traffic rerouting dahil sa pagsasara ng Otis Bridge

Manila, Philippines – Nagpalabas ngayon ng traffic advisory ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) Public Information Office hinggil sa pagsasara ng tulay ng Otis sa Pandacan Manila.

Ayon kay MPD Spokesman Superintendent Erwin Margarejo ipatutupad simula ngayon ang rerouting sa mga motorista na dadaan sa Otis bridge dahil magsisimula ang pagkukumpuni ng naturang tulay.

Paliwanag ni Margarejo sa lahat ng mga motorista na dadaan mula Nagtahan/Mabini Bridge ay maaari silang kumanan sa Paz Guanzon Street para maiwasan ang UN Avenue tuloy-tuloy sa President Quirino Avenue pagkatapos kanan patungo sa Plaza Dilao at deretso sa Pres. Quirino Avenue Extention, kaliwa patungo sa UN Avenue patungo sa kanilang destinasyon.
Maaari rin aniya silang dumaan kung sila ay mula Eastbound ng UN Avenue patungo sa Paz Guanzon Street ay maaaring kumanan patungong President Quirino Avenue.


Facebook Comments