ROAD ALERT | Napindan Bridge sa Taguig City, bubuksan na muli sa daloy ng trapiko

Taguig City – Passable nang muli ang buong bahagi ng Napindan Bridge sa Taguig City matapos pansamantalang isara sa daloy ng trapiko nitong long weekend hanggang kaninang umaga.

Ayon sa Pasig Traffic and Parking Management Office, nagkaroon kasi ng road repair ang DPWH upang maisaayos ang baku-bakong daan.

Nagdulot ang pagsasara ng tulay ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko sa bahagi ng C6 sa Pasig, naipon kasi ang mga sasakyan na patungo sa Taguig City.


Ayon kay Cristino Camri ng Pasig TPMO, maluwag na ngayon ang daloy ng trapiko sa C6 palabas ng Napindan Bridge.

Inireklamo ng mga motorista ang matinding trapiko na idinulot ng pagsasara ng isang bahagi ng Napindan Bridge dahil sa umano ay kawalan ng maagang abiso sa isinagawang Road Repair.

Facebook Comments