ROAD ALERT | National road at tulay sa Northern Luzon, posible ng madaanan maliban sa Ilocos Norte

Inihayag ngayon ng DPWH Region 1 na lahat ng national roads at mga tulay ay maaari ng madaanan ng lahat ng mga uri ng sasakyan maliban nalamang sa Ilocos Norte-Abra Road dahil sa landslides at isang linya lamang ang posibleng makadaan ang mga sasakyan dito.

Maging ang Ilocos Norte-Apayao road ay hindi rin madaanan dahil hanggang balikat ang mga putik bukas naman ng isang linya ang Tagudin Cervantes Road, Junction Santiago-Banayoyo-Lidlidda-San Emilio, Quirino Road Cervantes -Mankayan-Abatan road kung saan ipagpapatuloy ang clearing operation bukas.

Ayon kay Pangasinan 1st District Engineering Office hindi maaaring dumaan ang mga maliliit na sasakyan sa Garrita Bridge, iikot sila sa Bani, Pangasinan o kaya dumaan sa alternate road sa Mabini-Bani Provincial Road or Alaminos-Burgos Agno-Bani Road sa national road.


Facebook Comments