ROAD ALERT | Pamunuan ng Makati Police at MAPSA isasapinal ang preparasyon sa Undas

12

Nakatakdang magpulong ngayong araw ang mga kinatawan ng Makati Police Station at Makati Public Safety (MAPSA) para sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko sa mga magtutungo at bibisita sa mga yumaong mahal nila sa buhay na nakahimlay sa Manila South Cemetery kaugnay ng Undas 2018.

Ayon sa SPD isasapinal na nila ang mga operasyon sa kalye upang gabayan ang mga motorista sa kanilang ipalalabas na traffic scheme.

Inaasahan kasing mas madami ang bibisita ngayon sa isa sa pinakamalaking sementeryo sa Metro Manila kung kaya at ngayon pa lamang ay nais na nila itong paghandaan.

Sa pulong mamaya tatalakayin kung saang mga lugar lamang ang maaaring paradahan ng mga sasakyan gayundin naman yung lugar na maaaring pwestuhan ng mga negosyante na sasamantalahin ang Undas.

Facebook Comments