ROAD ALERT | Partial closure sa EDSA, ipinatupad kasabay ng paghahanda ng ika-32 anibersaryo ng People Power Revolution

Manila, Philippines – Magpapatupad ng partial road closure sa EDSA northbound bilang bahagi ng paghahanda sa ika-32 anibersaryo ng People Power Revolution.

Ayon kay Bong Nebrija, pinuno ng mmda task force special operations group, isasara ang dalawang outermost lane ng edsa northbound mula Ortigas avenue hanggang Santolan para sa rehearsal.

Aniya, maglalatag sila ng mga orange plastic barrier para sa rehearsal na magsisimula ng alas-8 ng umaga at inaasahang aabutin ng hanggang alas-10 ng umaga.


Agad naman aniyang bubuksan ang mga sinarang lane.

May alternatibong ruta namang binalangkas ang MMDA.

Mula EDSA, maaaring kumanan papuntang Mckinley Road at tahakin ang C5 papunta sa patutunguhan.

Maaari rin umanong kumanan sa ibang entry points ng C5, kabilang ang Kalayaan Avenue, J.P. Rizal O guadalupe ilalim, Pioneer Street, Shaw Boulevard, at Julia Vargas Avenue.

Maaari ring umakyat ng Rockwell flyover, kumaliwa sa Estrella, at baybayin ang Estralla-Pantaleon Bridge palabas ng Mandaluyong.

Facebook Comments