Manila, Philippines – Nagdudulot na ng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa Shaw Boulevard east bound lane partikular sa paakyat ng flyover patungong Pasig ang isang nabuwal na poste ng Meralco matapos maatrasan ng isang 10 wheeler truck.
Nabuwal ang poste at nagkasala salabit din ang mga kawad ng kuryente.
Ayon sa mga tauhan ng Meralco, nasa tatlong block ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa insidente.
Paakyat ng flyover ang truck na may lulang sako sakong asukal pero nawalan umano ng hangin ang airbreak kaya napaatras hanggang tumama sa poste.
Sa lakas ng impact, nabuwal mula mismo sa pundasyon ang poste.
Mabuti na lamang, walang kasunod na mga sasakyan kanina ang truck.
Samantala, dahil sa maagap na pagresponde ng mga tauhan ng Meralco, naibalik na ang supply ng kuryente sa mga apektadong lugar