ROAD ALERT | Truck ban sa ilang kalsada sa Valenzuela City, ipinatupad

Valenzuela City – Simula sa Abril 2, hindi na papayagang makadaan pa ang mga truck mula Maysan Street hanggang General Luis Road at vice versa pagpatak ng alas 6 ng umaga hanggang alas 10 ng umaga at tuwing alas 5 ng hapon hanggang alas 10 ng gabi.

Hindi naman ipatutupad ang truck ban tuwing araw ng linggo at holiday.

Ito ay ayon sa Valenzuela traffic alinsunod sa executive order ‎2018- 016 o implementing truck regulation sa boundary ng Caloocan City at Mac Arthur Highway sa Valenzuela City.


Ang mga mahuhuling lalabag sa truck ban ay parurusahan alinsunod sa section 7 ng Valenzuela City ordinance 113 series of 2014.

Facebook Comments