Manila, Philippines – Hiniling ni House Speaker Pantaleon Alvarez na buwagin ang Road Board at ilipat ang tungkulin nito sa Department of Public Works and Highways.
Giit ni Alvarez, natuklasan ng Commission on Audit ang iligal na paggamit sa Road User’s Tax na aabot sa P90.72 Billion mula 2001 hanggang 2002.
Ang pondong ito ay nakalaan para sa road maintenance, improvement ng road drainage, paglalagay ng traffic lights, road safety devices at air pollution control.
Noong 2013, aabot sa 1.66 Billion ang mga natuklasang iregularidad sa pondo, hiwalay pa ito sa 62.52 Million noong 2011 na ginamit sa engineering at administrative overhead expenses at 515.50 Million noong 2004 hanggang 2008 na ginamit sa sweldo allowances at mooe.
Mayroon ding 1.495 Billion na discrepancy sa tax collection ng Road Board at sa LTFRB.
Sa inihaing House Bill 6236 na inihain ni Alvarez, ang lahat ng makokolekta sa Road Fund ay direktang ire-remit sa National Treasury at ilalaan sa DPWH at DOTr.