Road Board, tuluyan nang binuwag ni PRRD

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11239 o ang batas na bubuwag sa Road Board.

Sa ilalim ng batas, lahat ng pera na nakolekta ng Road Board sa mga motorista sa pamamagitan ng road user’s tax ay ibibigay sa national treasury sa ilalim ng special account ng general fund.

Inaatasan ang budget, public works at transportation department na ipatupad ang mga polisiya ng bagong batas.


Pinalilipat sa DPWH ang mga kwalipikadong empleyado ng Road Board na maapektubahn sa pagbuwag.

Makatatanggap naman ng separation pay ang mga empleyado ng Road Board na hindi qualified sa DPWH habang ang mga magreretiro naman ay makatatanggap ng kaukulang benepisyo.

Ayon sa Commission on Audit (COA) umabot sa mahigit P166 billion ang nakolekta ng Road Board sa road user’s tax mula 2001 hanggang 2018.

Pinirmahan ng Pangulo ang bagong batas noong March 8.

Facebook Comments