Patuloy ang isinasagawang road clearing operations sa iba’t ibang bayan sa Pangasinan matapos ang matinding pinsalang iniwan ni Super Typhoon Uwan.

Sa bayan ng Infanta, magkatuwang ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO), Bureau of Fire Protection (BFP), General Services Office (GSO), barangay workers, Department of Public Works and Highways (DPWH), at Philippine National Police (PNP) sa patuloy na paglilinis sa mga bahaging binagsakan ng malalaking punong akasya.

Layunin nitong maiwasan ang panganib sa mga motorista at mabawasan ang abala sa daloy ng trapiko.

Nagbigay din ng tulong ang mga boluntaryo sa pagtanggal ng mga sanga at debris upang mas mapabilis ang pagpapanumbalik ng kaligtasan at kaayusan sa mga kalsada.

Sa bayan naman ng San Fabian, nagpapatuloy ang clearing operations upang agad na maalis ang mga nakaharang na debris sa mga pangunahing daanan.

Tinitiyak ng Clearing Operation Team na maging ligtas at madaanan muli ang mga kalsada ng mga motorista.

Para sa mga nangangailangan ng agarang tulong, bukas ang emergency hotline ng MDRRMO San Fabian, 637-6963 sa landline at 09510506970, 09569225855, at 09178071183 sa mobile.

Facebook Comments