Road Clearing Ops, Muling Pinaigting sa Lungsod ng Cauayan!

Cauayan City, Isabela- Muling pinaigting ng POSD Cauayan City sa pangunguna ng kanilang hepe na si P/Col Pilarito Mallillin ang road clearing operations sa Lungsod ng Cauayan.

Kasunod pa rin ito sa kautusan ng Pangulong Rodrigpo Duterte na tanggalin ang lahat ng mga obstructions o sagabal sa mga kalsada lalo na sa mga pangunahing lansangan.

Kaugnay nito, nadagdagan na ang mga signages na nakalagay sa mga gilid ng lansangan bilang pagpapaalala sa publiko na bawal ang anumang obstruction sa kalsada.


Ito ay upang magkaroon ng mas maluwang at mas maayos na daloy ng trapiko at makadaan na rin ng kumportable ang mga tao.

Patuloy naman ang paalala at panawagan ng nasabing tanggapan na makipagtulungan at makiisa sa kanilang ipinapatupad.

Facebook Comments