
Isinagawa sa unang linggo ng taon ang road clearing operations sa iba’t ibang barangay sa lungsod ng Alaminos bilang bahagi ng mga hakbang upang mapanatili ang kaayusan, kalinisan, at maayos na daloy ng trapiko sa mga pangunahing daan at loobang kalsada.
Sa naturang aktibidad, tinanggal ang mga sagabal at harang sa mga kalsada gayundin ang mga naipong basura na maaaring magdulot ng abala sa mga motorista at panganib sa mga pedestrian.
Bahagi ito ng patuloy na pagpapatupad ng mga lokal na alituntunin kaugnay sa road clearing at solid waste management.
Layunin ng isinagawang operasyon na masiguro ang ligtas at maayos na paggamit ng mga kalsada at mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran sa mga barangay sa pagsisimula ng bagong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










