ROAD CLEARING SA MGA PANGUNAHING LANSANGAN SA PANGASINAN, MULING ITUTULOY

Muling itutuloy ang natigil na Road Clearing sa ilang bahagi ng Pangasinan.
Ito ang kinumpirma sa IFM Dagupan ni Pangasinan PNP Public Information Officer Police Captain Renan Dela Cruz.
Kaugnay nito isang Coordinating Conference para sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko sa probinsya ng Pangasinan ang isinagawa nitong nakalipas na linggo.

Ang naturang pagpupulong ay dinaluhan ng iba pang mga opisyales ng PNP Pangasinan, kasama ang Pangasinan Highway Patrol Team mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways, Traffic Aides, at POSO ng mga concerned LGUs kasama na rito ang mga Chiefs of Police ng Rosales, Villasis, Urdaneta City, Binalonan, Pozorrubio and Sison PS.
Kabilang sa mga tinalakay sa pulong ay ang pagsasagawa ng simultaneous road clearing operations, at iba pang mga alternatibong solusyon sa mga problema na nagdudulot sa pagbigat ng trapiko.
Matatandaan na ilang taon din natigil ang nasabing Road Clearing dahil sa pandemyang dulot ng Covid19. |ifmnews
Facebook Comments