Nilinaw ng Road Clearing Task Force ng Bayambang sa isinagawang pagpupulong ng Municipal Administrator ang ukol sa iba’t ibang isyu tungkol sa kanilang operasyon kung saan naaapektuhan ang mga sidewalk vendors.
Kabilang rin sa mga ipinatawag sa naturang pagpupulong ang mga tricycle drivers at satellite market vendors.
Ayon sa Municipal Administrator, kailangan umanong isulong ang batas na nagbibigay ng karapatan sa pedestrian sa mga sidewalk, maging ang pagbibigay ng madadaanan sa mga motorista upang iwas takaw disgrasya.
Dagdag pa nito, may mga nakasuhan ng alkalde sa pamamagitan ng DILG dahil sa hindi pagpapatupad sa naturang batas.
Napag usapan din ang ilan pa sa mga isyu tulad ng pagpapagawa ng mga nasirang daan na apektado ng installation ng mga tubo ng BayWad para sa maayos na kalsada makatutulong sa mga tricycle driver.
Sa huli, inanyayahan naman ng Task Force ang mga vendors na pumunta sa public hearing sa event center ngayong araw ng lunes para pag usapan ang tungkol sa mga maiinit na isyung ito. |ifmnews
Facebook Comments