ROAD CLOSURE | Pagbabago ng ruta ng Gilon Gilon Ed Dalan alamin!

Dagupan City – Pinagbigay alam nila P/Insp. Carlito O. Ocampo Ret., POSO Chief Dagupan City at ni PSupt. Jandale I. Sulit, OIC PNP Dagupan Station, ang pagbabago ng ruta ng parada sa maggaanap na “Gilon Gilon Ed Dalan” at “Festival of the North” sa ika-20 at ika-27 ng April. Mag uumpisa ang parada ng alas-kwatro ng hapon sa Burgos at Guilig St. Ang bagong ruta ng parada ay sa Perez/Guilig papuntang Perez Blvd., M.H. Del Pilar, A.B. Fernandez Avenue at matatapos sa City Plaza.

Para sa mga pampublikong sasakyan (Jeepneys/Mini Buses) na magmumula sa west direction: Mula sa Tapuac Road, pinapayuhan ang mga PUJs na kumaliwa sa corner ng Burgos Extension-Amado Street palabas ng corner Amado-Tapuac at iikot pakanan papuntang destinasyon. Para naman sa mga mini buses mag u-turn sa shell gasoline station harap ng Dagupan City Peoples Astrodome pabalik ng destinasyon.

Para naman sa mga PUJs na magmumula sa direkyong south (Jeepney’s and Mini Buses bound to San Carlos, Malasiqui, and Calasiao): Mag u-turn sa dating Dominion Terminal Compound sa Mayombo District pabalik ng destinasyon.


Para naman sa mga PUJs na magmumula sa direkyong south (Jeepney’s bound to Sta. Barbara): Kumanan sa Banaoang – Malued intersection at tahakin ang ruta pakaliwa sa corner ng Malued-Malta Road, papuntang Tapuac saka kumaliwa sa corner ng Lucao-Tapuac Road; papuntang old De Vencia Highway pabalik ng destinasyon.
Para sa mga PUJs na magmumula sa North Direction (Jeepney’s bound to Gueset, Bocquig, Binloc): Mula Arellano-Bani, kumanan sa Riofero Road, palabas ng Nel Ars saka kumaliwa papuntang destinasyon.

Sa mga PUVs na magmumula sa east direction (JEEPNEY’S BOUND TO MANAOAG, SAN FABIAN, MAPANDAN, MANGALDAN, PUZURROBIO, SAN JACINTO, SALISAY, TAMBAC, BOLOSAN, MANGIN): Mula AB Fernandez East, kumaliwa sa PNR Site Road, at kumaliwa sa Barrera Compound, at kumanan palabas ng inyong destinasyon. Sa mga Buses, Mini Buses, at Trucks maaaring tahakin ang corner ng Tambac-Mangin Road, at lumabas sa Tebeng-Caranglaan Road.

Ayon sa PNP Dagupan at POSO walang mag-papasadang Jeep ng Downtown Loop at CSI Lucao sa oras na mag-umpisa ang pagsasara ng mga daan para bigyang daan ang street dancing ngayong taon.

Ulat ni Anthonette Joyce Camacho

Facebook Comments