Nobenta porsiyento (90%) nang tapos ang kalsadang inaayos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa San Ricardo, Southern Leyte.
Layon ng proyekto na bigyan ng maayos na daanan ang mga motoristang bumabaybay sa Barangay Benit, Bil-atan, Esperanza, at Lilolan-San Ricardo Circumferential Road.
Makakatulong din ito para mapasigla ang turismo at agriculture trade sa Panaon Island.
Kasama rin sa proyekto ang pagsasaayos ng drainage system at slope protection bilang mga safety feature.
Aabot sa P80 milyon ang pondong inilaan sa naturang 3-kilometer road project.
Facebook Comments