ROAD CONCRETING SA BRGY. CARABATAN BACAREÑO, NAKATAKDANG IPAGPATULOY

Cauayan City – Nakatakdang ipagpatuloy sa lalong madaling panahon ang pagsesemento ng kalsada sa Brgy. Carabatan Bacareño, Cauayan City, Isabela.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Kagawad Allan Salvacion, pirmado at aprubado na ni Hon. Mayor Jaycee Dy ang naturang proyekto.

Aniya, ang kalsadang nakatakdang sementuhin ay nasa bahagi ng Purok 7 sa kanilang nasasakupan..


Sinabi ni Kagawad Salvacion na sa ngayon ay wala pang tiyak na halaga ng pondong ilalaan para sa naturang road concreting ngunit tuloy na tuloy na ang gagawing pagsasaayos nito.

Sa ngayon, hinihintay na lamang nila ang go signal ng lokal na pamahalaan ng Cauayan upang masimulan na ang proyekto.

Facebook Comments