ROAD CONSTRUCTION ACTIVITIES SA NUEVA VIZCAYA, IPAGPAPATULOY NG DPWH REGION 2

CAUAYAN CITY – Ipagpapatuloy ng DPWH Region 02 ang kanilang road construction activities sa kahabaan ng Daang Maharlika sa lalawigan ng Nueva Vizcaya matapos ang pansamantalang suspensyon sa pagsasaayos ng mga daan dahil sa pagsalubong ng Kapaskuhan at Bagong Taon.

Sa abisong inilabas ng ahensya, muling magsisismula ang operasyon sa Lunes, ika-6 ng Enero taong kasalukuyan kung saan magsasagawa ng reblocking ang ahensya sa ilang bahagi ng kalsada sa Brgy. Nagsabaran, Diadi kung kaya’t asahan ang two-way traffic flow habang 3-way namna ang accessible sa mga motorista at byahero dahil ibubukas ang parehong outer lanes at right lane ng daan.

Sa Brgy. Kinacao, Bagabag naman, sasailalim naman sa reconstruction ang left lane ng daan na posibleng magresulta sa one-way traffic flow, samantalang one-way traffic flow din ang asahan sa Batu Bridge na bahagi ng Bambang dahil sa pagsasagawa ng maintenance.


Ayon kay Engr. Melecio Tumbali, Jr. isa sa mga magpapatanggal sa gagawing maintenance sa Bambang Area ay ang pagtatanggal ang aspalto sa kalsada.

Iminungkahi rin ng PNP Nueva Vizcaya ang mga alternatibong daan upang makaiwas ang mga motorista sa trapiko, habang hiningi ng ahensya ang kooperasyon ng mga biyahero at motorista na sumunod sa batas trapiko upang maiwasan ang mga insidente na maaaring nakaapekto sa daloy ng trapiko.

Facebook Comments