Oriental Mindoro – Nasawi ang isang ginang matapos na tumilapon mula sa motorsiklo nang makasalpukan ng motorsiklo ang isang van sa SNRH Barangay Sumagi Bansud Oriental Mindoro kahapon ng tanghali.
Kinilala ang nasawi na si Myrene Apolinario, 23-anyos.
Habang sugatan naman ang kanyang mga anak na sina Marjorie Apolinario, 4-anyos at Mark Anthony Apolinario, 2-anyos mga residente ng Sitio Apnagan, Barangay Villa Pag-asa, Bansud.
Sugatan rin ang isa pang angkas ng motorsiklo na si Merlinda Mangao, 54-anyos at drayber ng motorsiklo na si Joshua Mangao, 18-anyos.
Ayon kay PNP MIMAROPA Spokesperson Superintendent Imelda Tolentino alas 12:20 ng tanghali kahapon binabagtas ng motorsiklo na sakay ang limang biktima ang kahabaan ng SRNH sa Barangay Sumagu nang bigla na lamang itong lumipat sa kabilang kalsada na sakto naman parating ang humaharurot na van dahilan para mabundol sila.
Naaresto naman ang drayber ng van na kinilalang si Larry Granada Sola, 62-anyos residente ng BarangayTanza, Estancia, Iloilo at ngayon ay nahaharap na sa kaso.