ROAD CRASH | 12 pasahero ng bus, sugatan sa aksidente sa EDSA-Shaw

Sugatan ang 12 pasahero matapos mawalan ng preno ang isang bus sa EDSA-Shaw southbound.

Ayon sa MMDA, paakyat na sana palabas ng tunnel ang isang unit ng Luzon Bus Corporation nang mawalan ng preno.

Nagpapagaling na sa Mandaluyong Medical Center ang mga pasahero na nagtamo ng mga minor injuries.


Naialis na rin ang bus sa tunnel pero patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Mandaluyong traffic bureau sa insidente.

Facebook Comments