ROAD CRASH | 2 patay matapos mahulog sa bangin ang isang jeep

Cagayan de Oro – Patay ang dalawang pasahero matapos mahulog sa bangin ang isang pampasaherong jeep sa Barangay Taglimao, Cagayan de Oro.

Kinilala ang mga nasawi na sina Mario Pimentel, 80 taong gulang, at Danilo Disamito, 43 taong gulang.

Sa imbestigasyon, galing sa sentro ng lungsod ang jeep na may sakay na 50 pasahero at papunta sanang Barangay Tumpagon.


Pero biglang nawalan ng kontrol ang driver na si Ritche Macua sa sasakyan dahilan para mahulog ito sa bangin.

Ayon sa konduktor ng jeep na si Jeff Ralsal, pababa sila sa isang matarik na daan nang napansin niyang nawalan ng preno ang jeep.

Nagpapagaling naman sa Northern Mindanao Medical Center ang mga sugatang pasahero kasama ang driver ng jeep.

Habang patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Facebook Comments