ROAD CRASH | 2 sugatan nang sumalpok ang mini dump truck sa poste ng ilaw sa Taguig

Taguig City – Sugatan ang driver at pahinante ng isang mini dump truck matapos sumalpok sa poste ng ilaw sa northbound lane ng C5 sa Western Bicutan, Taguig City.

Nagpapagaling na sa Taguig-Pateros Hospital ang driver na si June Alindogan na nabalian ng kanang paa.

Inoobserbahan rin sa ospital ang 18-anyos na pahinanteng si Enrico Adcadile.


Ayon kay Alindogan, may iniwasan siyang sasakyan kaya napasalpok sila sa poste.

Agad namang nalinis ang nagkalat na basura sa lugar na sakay ng mini dump truck matapos itong tumagilid.

Facebook Comments