ROAD CRASH | 3 patay habang 20 sugatan matapos magsalpukan ang dalawang sasakyan sa SCTEX northbound

Manila, Philippines – Patay ang tatlong pasahero habang 20 ang sugatan makaraang magsalpukan ang isang Isuzu Forward na may sakay na Acetylene at LPG at Five Star bus na patungo sa Dagupan.

Ayon kay Toll Regulatory Board Spokesperson Julius Corpuz, alas 11:53 ng hating gabi kagabi nang magsalpukan ang dalawang sasakyan sa may SCTEX km 74 Northbound.

Dahil sa salpukan lumiyab at nasunog ang buong bus dahilan ng pagkasawi ng tatlong pasahero at pagkasugat ng 20 na isinugod na sa pinakamalapit na ospital.


Isang pasahero naman ang naitatalang nawawala.

Facebook Comments