Manila, Philippines – Sugatan ang tatlong tao matapos ma-hit and run sa kanto ng Pedro Gil at Roxas Boulevard sa lungsod ng Maynila.
Kinilala ang mga biktima na sina Jeremiah Erwin Tan, Princess Delmo 12-anyos at Joana Rocero, 13-anyos.
Ayon sa isang saksi, pinilit hinabol ng kulay puting AUV na makatawid sa pa-kulay pula nang traffic light kaya at nabundol ang mga biktima.
Matapos mabangga, dali-daling tumakas ang driver nito kaya at hindi na naplakahan pa ang sasakyan.
Inaalam na ng mga otoridad kung nahagip ng CCTV ang insidente para malaman ang plaka ng tumakas na driver habang dinala sa hospital ang mga sugatang biktima.
Facebook Comments