ROAD CRASH | 6, sugatan sa banggaan ng 2 bus sa EDSA

Makati City – Sugatan ang anim na pasahero matapos magkabanggan ang dalawang bus sa EDSA-Makati.

Nawasak ang likurang bahagi ng TM transport bus matapos salpukin ng rainbow express bus sa loading bay ng southbound ng EDSA-Estrella.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Makati police traffic, hindi kumagat ang preno ng Rainbow Express Bus na minamaneho ni Nelson Pantrangco dahilan para masalpok nito ang TM bus.


Nasa kustodiya na ng Makati Police Traffic Rainbow Bus habang patuloy ang imbestigasyon.

Posibleng maharap ang Rainbow bus driver sa kasong reckless imprudence resulting in physical injuries and damage to property.

Facebook Comments