ROAD CRASH | Apat na tao, patay sa salpukan ng isang truck at van sa Bulacan

Bulacan – Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ang mga pulis sa nangyaring salpukan ng dalawang van at isang truck na ikinasawi ng apat na katao sa San Rafael, Bulacan.

Sa ulat, nagkabanggaan ang dalawang van na minamaneho nina Danny Magdayao at Emiliano Mendoza Jr., kaya at nasalpok naman ang nakaparadang truck sa gilid ng kalsada na minamaneho ni Fernando Velasco Jr.

Sa lakas ng impact, tumilapon pa sa kalsada ang apat na sakay ni Magdayao na nagresulta sa kanilang kamatayan habang ilan din ang sugatan sa insidente.


Hindi pa malinaw kung sino ang may kasalanan sa nangyaring banggaan pero hinala ng mga otoridad na kapwa mabilis ang takbo ng van ng mangyari ang aksidente.

Facebook Comments