ROAD CRASH | Buntis na nadamay sa pagsalpok ng trailer truck sa concrete barrier sa Malabon, patuloy na inoobserbahan sa ospital

Malabon – Patuloy na inoobserbahan sa ospital ang anim na buwang buntis na nadamay sa pagbangga ng isang trailer truck sa concrete barrier sa MacArthur Highway, Malabon.

Kinilala ang biktima na si Jinky Liwag, 30-anyos, isang policewoman na naka-assign sa Valenzuela Police Station.

Naka-confine din sa Valenzuela General Hospital ang driver ng truck na si Ryan Macarilay matapos na magtamo ng bali sa paa.


Perwisyo naman sa mga motorista ang idinulot ng paghambalang ng truck sa kalsada.

Ayon kay malabon PNP Chief Senior Superintendent Harry Estella, natagalan silang alisin ang truck dahil kinailangan muna nilang alisin sa pagkakaipit ang driver nito.

Mabigat din kasi aniya ang truck dahil sa mga karga nitong bote ng alak.

Patuloy na iniimbestigahan ang pulisya ang aksidente.

Facebook Comments