ROAD CRASH | Bus na naging dahilan ng karambola ng mga sasakyan sa Roxas Airport road, nawalan raw ng preno

Manila, Philippines – Nawalan ng preno ang isang Tourist Bus na Classic Leisure Bus na may plate number TYT 831 sa bahagi ng Roxas Airport road, Baclaran, Parañaque City kaninang 8:58 ng umaga na naging dahilan ng karambola ng 9 na sasakyan.

Maliban sa tourist bus sangkot sa aksidente ang 1 pang bus, 4 PUJ, UV Express, Taxi at 2 Motorsiklo.

Dahil ditto, sugatan ang 20 pasahero na karamihan ay mga nag aabang lamang ng masasakyan.


Ayon sa MMDA, umaabot sa 12 major injuries habang 8 naman ang naitalang minor injuries na dinala na sa Pasay City General Hospital at San Juan de Dios hospital.

Sa ngayon, tuloy ang clearing operations sa lugar kung saan unti-unti nang tinatanggal ang mga sangkot na sasakyan.

Asahan na ayon sa MMDA ang pagsisikip ng daloy ng trapiko partikular sa Cavitex hanggang Roxas Airport Northbound lane dahil okupado ng mga sangkot na sasakyan ang 2 linya.

Facebook Comments